Martes, Hulyo 17, 2012

Ang kwentong inyong mababasa ay  hango lamang sa aking malawak na imahinasyon.

 

 Sana po ay inyong magustuhan maraming salamat po.

 

 

 

 

  











Ang Alamat ng Kabibe



Sa isang malayong nayon,masayang nag diriwang ng kapistahan ang mga tao. Lingid sa kaalaman ng lahat may isang nilalang na  nasa isang sulok ng dilim at nangangamba. Naalala niya ang nakaraan.
 Boss ano bang gagawin natin dito?  tanong ng kanyang alalay
Ihulog mo nalang sa tulay ikaw ng bahala basta Ligtas tayo at walang makukuhang ebidensya
Ok boss... at dali dali inihulog ng  kanyang tauhan ang katawan ng isang magandang babae.
Mahaba haba na rin ang nilakbay nila mula sa kung saan ay biglang may sumulpot na magandang babae sa kanilang harapan at bigla nila itong nabundol. sa pangamba nila at hindi alam ang gagawin naisip nilang paraan ang itapon nalang ito. Sa pag aakalang walang nakakita sa kaganapan,
Sa panahong iyon may isang di pangkaraniwang na nilalang ang nakatingin sa kanila.
''Ang mga tao talaga hindi marunong tumanggap ng pagkakamali, ayaw pagbayaran ang kanilang ginawang kasalan'' umiiling na sabi ng nilalang na iyon. Isang magandang diwata pala ang nakakita sa pangyayari.